TV Patrol, Ang Probinsyano at Iba Pang ABS-CBN Shows Magbabalik Na!

Noong ika-5 na Mayo 2020, nag-issue ang National Telecommunications Commisision ng cease and desist order sa ABS-CBN, isang araw pagkatapos mag-expire ang kanilang legislative franchise.

Ibig sabihin nito, kailangan ng ABS-CBN na i-hinto ang pag-broadcast ng mga palabas nito sa buong Pilipinas.

Kabilang dito ang kanilang AM radio stations, FM radio stations, TV stations, and Digital Terrestrial Television broadcasting.

Kahit di na sila nakakapag-broadcast sa mga nabanggit na pamamaraan, gumamit naman sila ng ibang platforms para maipalabas ang ilan sa kanilang mga news at entertainment programs tulad sa YouTube, Facebook, mahiwagang black box, at iWant.

Nitong June 4, eksaktong isang buwan matapos mag-expire ang prankisa ng network, inanunsyo ng ABS-CBN na ang kanilang TV Shows ay magbabalik na sa cable at satellite TV sa pamamagitan ng kanilang bagong “Kapamilya Channel” simula June 13.

Mapapauod ang Kapamilya Channel sa Sky, Cablelink, G Sat, at sa iba pang member-cable operators na kabilang sa Philippine Cable Television Association.

Ang mga magbabalik na palabas ay ang mga sumusunod:

Primetime:
TV Patrol, FPJ’s Ang Probinsyano, Love Thy Woman, at A Soldier’s Heart
Daytime:
It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Magandang Buhay

Nakatakda ring ipalabas ng ABS-CBN ang kanilang mga bagong programa sa Kapamilya Channel tuwing Sabado tulad ng Paano Kita Mapasasalamatan, na pangungunahan ni Judy Ann Santos-Agoncillo at Iba ‘Yan na pangungunahan naman ni Angel Locsin.

May Korean Drama din na magsisimula sa June 15 na pinamagataang The World of a Married Couple.

Ayon sa balita ng ABS-CBN News, ang Kapamilya Channel ay pag-aari at operated ng ibang kompanya at hindi kabilang sa cease and desist order ng NTC.