GAGANAP NA VALENTINA SA DARNA: THE TV SERIES KILALANIN!

  • Post Author:
  • Post published:November 18, 2021
  • Post Category:Trending
Image: Courtesy to ABS-CBN

Manila — Tila matatapos na ang paghihintay ng mga nag aabang sa kung sino nga ba ang gaganap na Valentina sa paparating na Kapamilya serye na Mar’s Ravelo’s Darna: The TV Series.
Nitong nakaraang buwan ay ipinakilala na ang mga ilang gaganap sa serye bukod sa bida nito na si Jane De leon.

Matatandaan na inilabas na din ang mga artistang bubuo dito at isa nga sa inaabangan ay kung sino ang magiging leading man ni Jane De Leon at sino ang gaganao bilng si Ding, na sidekick ni Darna.
Ang kapamilya actors na sina Joshua Garcia at Zaijan Jaranilla ang napili na gumanap sa nasabing serye ni Mars Ravelo na Darna: The TV Series.
Inanunsyo ito sa isang reveal event na napanood sa official YouTube channel and Twitter page ng ABS-CBN.

Si Joshua Garcia ay gaganap bilang si Police Officer Brian Samonte Robles, ang love interest ni Jane De Leon bilang si Narda, habang si Zaijan Jaranilla naman ay gaganap bilang younger brother at sidekick ni Narda, na ang karakter nga ay bilang si Ding.

ANg iba pang casts memeber na kasama sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ay sina Kiko Estrada, Richard Quan, Simon Ibarra, Levi Ignacio, Joj Agpangan, Mark Manicad, Young JV, LA Santos, Yogo Singh, Zeppi Borromeo, Marvin Yap, Tart Carlos, Gerald Acao and Rio Locsin,

Matapos ang pag aanunsyo ng mga cast nito ay inilabas na ng ABS-CBN ang teaser na naghuhudyat sa pagpapakilala sa kung sino ba ang gaganap na valentina.
Si Valentina ay isa sa mahalagang karakter sa serye dahil sya ang kalaban ni Darna sa kwento.

Nitong araw ng Lunes ay naglabas ng teaser ang ABS-CBN na ang pag aanusnyo umano sa nasabing karakter sa kung sino ang gaganap ay mangyayari sa darating na Biyernes this week.
Sa nasabing teaser ay isang video clip ng balat ng ahas ang ipinakita at sinabi na The Valentina Reveal.
Ang paglabas ng nasabing teaer ay mismong araw din ng pag sisimula ng taping ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series na ginaganap ngayon sa ABS-CBN’s Hollywood-standard sound stages in San Jose del Monte, Bulacan.

Marami nga ang mga artistang napupusuan ng mga netizens na gumanap bilang Darna gaya nina Anne Curtis, Ivana Alawi, Denise Laurel at maging si Janine Gutierrez.


Isa pa ngang lumabas na spekulasyon ay ang pagganap ni Jackie Rice na isang Kapuio Star bilang valentina dahil ayon sa balita noon ay expired na umano ng kontrata nito sa GMA7 at hindi pa nga nag rerenew. Nga story pa nga siya sa kanyang social media account at binahagi nya ang isang artcile na sya aumno ang gaganap na Valentina at nilagyan niya ito ng caption na “Gusto Niyo ba”

Sino sa tingin mo ang gagaap na Valentina?