KILALANG SHOWBIZ REPORTER HOST, NAGREACT Kapamilya Hosts, Hindi na nga ba magkaibigan?

  • Post Author:
  • Post published:November 18, 2021
  • Post Category:Trending

Manila — Pagdating sa mga showbiz intriga ay hindi pahuhuli ang kilalang showbiz talk show host at beteranang talent manager na ito na kung saan ay nagpahayag ng kanyang reaksyon kaugnay sa tila issue ng dalawang celebrities na ito. Ang isa ay Kapamilya star at isa naman ay dating kapamilya personality.


Nitong nakaraan ay naiintriga ang mga netizens dahil sa natuklasan ng mga ito kaugnay sa mga social media accounts nina Vice Ganda ng It’s Showtime at Billy Crawford ng Lunch Out Loud.

Marami na umano ang nagtatanong kung hindi na nga ba in good terms o may alitan nga bang nabubuo ngayon sa dating magkatrabahong sina Vice Ganda at Billy Crawford?
Nag-umpisa kasi ang espekulasyong ito nang matuklasan ng mga netizens na parehong in-unfollow nila ang isa’t isa sa kanya-kanyang Instagram account.
Kung iyong titingnan kasi ang following nina Vice Ganda at Billy Crawford ay parehong hindi na lumalabas ang mga account nito.

Gayundin ay napabalita ding in-unfollow din ni Vice Ganda ang datig direktor ng Its Showtime na si Bobet Vidanes.

Matapos nito ay naging topic ito sa show ni Manay Cristy Fermin sa kanyang radio show na lumabas din sa Youtube ay hindi napigilang magbigay din ng pahayag si Cristy Fermin kaugnay dito.
Nagbigay ng kanyang prankang opinyon ang beteranang entertainment columnist at radio/TV host na si Cristy Fermin kaugnay nga sa pag-unfollow ni Vice Ganda sa dati niyang kasamahan sa Its Showtime na sina Billy Crawford at Direk Bobet Vidanes.
Ayon kay Cristy kahit siya ay gagawin niya iyon.

Sa bahagi ng kanyang mga pahayag kausap ang kasamahan sa show na si Rommel Chikka ay sinabi niya:

Kahit man ako siguro, kung may social media account ako, ‘yung mga hindi tapat, ‘yung mga hindi naman kayang panindigan ang sinabi, ‘yung one stap away ka pa lang sa kanila’y sinisiraan ka na, ia-unfollow ko rin ‘yon kung mayroon akong social media account, kaso wala e.

Dapat lang ‘yan, i-unfollow na kayo. I-unfollow na kayo dahil ‘yung mga sinasabi ninyo na walang iwanan hanggang sa huling hibla ng laban, sino unang lumundag?

Oh, hihintayin daw nila na magkaroon ng nagkaprangkisa ang ABS-CBN, ilang buwan pa lang, tumalon na.

Sinabi pa ni Cristy Fermin na kay Vice Ganda umano ang huling halakhak dahil sa mga nagaganap sa mga umalis na host sa It’s Showtime ay babalik at babalik padin sila.
Tila kampi ito kay Vice Ganda dahil vocal naman siya na madalas ay may tirada din sya sa dating direktor na si Bobet Vidanes na iniwan ang Its Showtime.

Matatandaan na nag-guest pa si Billy Crawford at ang asawa nitong si Coleen Garcia sa online talk show ni Vice.
Dito ay nagpahayag si Vice Ganda na nananatili silang magkapamilya kahit na hindi na sila magkatrabaho sa iisang network at programa.

Ayon kay Vice:

At alam mo, sa pamilya, di ba, meron kang kapatid na lilipat ng bahay.
Pero hindi porke’t lilipat siya ng bahay, hindi mo na siya kapatid, hindi mo na siya kapamilya, hindi mo na siya mahal.
Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo magpunta, magkakapamilya… Family kita… At mahal na mahal kita.