Quezon City Mayor Joy Belmonte Positive sa COVID-19

#joybelmonte #covid19 #abscbnshutdown
Quezon City Mayor Joy Belmonte Positive sa COVID-19 (LATEST)

Trending ngayon ang balita na si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay positive sa covid19!
Ayon sa kanya, “Sa ngayon, maayos po ang aking kalagayan at wala po akong nararamdamang anumang sintomas”.

Ang kanyang opisina at ang mga common areas ng Quezon City Hall ay dinidisinfect na.
Matatandaan din natin na ang abs cbn kapamilya channel ay located din sa Quezon City.

Nabanggit ni Mayor Joy Belmonte na expected naman na nya na magkaroon ng covid19 coronavirus dahil sa uri na rin ng kanyang trabaho na kung saan sya ay humaharap to check  health centers, hospitals, at iba pang areas under special concern lockdown.

Halimbawa, dumalo sya sa mobile community testing program ng Quezon City noong June 29, 2020 na dinaluhan naman ng iba pang local officials at ng mga kawani ng media.

Nagbabakasakali si Mayor Joy Belmonte na maging warning sa iba ang kanyang sinapit.  Na maging mas lalong maging alerto at updated ang mga tao tungkol sa covid19 disease pandemic.  Umaasa sya na ang nangyari sa kanya ay makatutulong para mamulat ang mga tao na tumupad sa mga health protocols.

Ani nya, “Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng facemask, madalas na paghugas ng kamay, at social distancing. Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan.”

Ang Quezon City ang largest city sa Metro Manila at ito rin ang city na kung saan may pinakamaraming coronavirus cases sa Pilipinas.

Sa Kasalukuyan, tanging si Mayor Joy Belmonte pa lamang ang Metro Manila mayor na nag-anunsyong nakapitan ng nasabing karamdaman na wala pang gamot sa kasalukuyan.

Narito ang buo nyang pahayag:

Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test. Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan. Sa ngayon, maayos po ang aking kalagayan at wala po akong nararamdamang anumang sintomas. Mahigpit ko pong sinusundan lahat ng quarantine protocols ng ating Department of Health at sinimulan na din po ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) ang contact tracing procedures.

Bukod dito, isinara din pansamantala ang aking tanggapan para ma-disinfect ito kasama ang common areas ng City Hall.
Dahil sa pagdalaw sa ating mga health center at ospital, special concern lockdown areas at mga komunidad upang alamin ang kanilang mga pangangailangan, sa simula pa lang, batid na naming posibleng mangyari ito. Pero hindi ko po ito pinagsisisihan. Inihanda ko na po ang aking sarili at buong puso ko po itong tinatanggap.

Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng facemask, madalas na paghugas ng kamay, at social distancing. Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan.

Makasisiguro po kayo na patuloy ang serbisyo at gawain ng inyong lokal na pamahalaan sa kabila ng aking pag-quarantine. Bagama’t limitado ang aking pagkilos, mananatili po akong nakatutok sa kalagayan at pangangailangan ng buong Quezon City.
Maraming salamat po, at asahan ninyong sa aking paggaling, muli po ninyo akong makakasama upang personal po akong makapaglingkod sa inyo.

Kung ating matatandaan, naging trending si Mayor Joy Belmonte noong unang mga bahagi ng ECQ lockdown dahil sa feedbacks ng di kabilisang pag-aksyon nya sa pamamahagi ng ayuda.  Nakumpara pa sya sa masisipag na mayors tulad nila Mayor Vico Sotto ng Pasic City
at Mayor Isko Moreno ng capital city ng Philippines na Manila.

#covid19ph
#covid19untv
#covid19
#covid
#cignal
#kapamilyachannel
#joybelmonte
#quezoncity